drumming
August 26, 2006
「 ang dapat na title naging date: 8:57 PM 」



first of all, di ko alam kung bakit puro late posts ang nilalagay so ito ay dapat kahapon.( August 26, 2006 saturday)
Saturday nanaman, PROSEC nanaman, sumama nanaman ako uli. Dahilan: gusto ko , walang magawa sa bahay. Hinatid ako ng tatay ko tapos sasabay si Alec sa amin. 7 na sa kanila na ako. Eh tulog pa siya kakagising pa lang. Hehe ayus lang kahit naghintay pa kami.
Ayun nasa school na. Pumasok ako then naghanap ng mauupuan. Hiniram ko pa celphone ni Pao para may magawa. Naglaro ako ng worms. Yehey lagi ako panalo. Habang naglalaro ako biglang dumating si Ma'am Tucay. Tapos sinabi sa akin yung tungkol sa PROGRAMA para sa BUWAN NG WIKA. Pagkatapos nung PROSEC kinausap nanaman kami ni ma'am tungkol pa rin sa PROGRAMA. Haiz ang daming problema.
Pagkatapos kami kausapin, nagpunta na kami Shang. Kami nila Janjan, Alec, Roy, Pao, Elmor at ako. Sa totoo lang dapat ako lang si Pao at si Elmor pero ok lang mas marami kasi diba nga THE MORE THE MERRIER. Una dapat naandoon na yung ime-meet namin (inaya kasi ni Elmor) sina Analou, Kaye, Marielle, Icia. Pero wala pa sila. So una ikot ikot lang muna kami. Tapos nagDOTA na muna kami kasi wala pa sila. Hahahaha. Panalo kami. Yehey! After that, hinanap na uli namin sila. Eh di talaga namin makita so kumain na kami. KFC! Tapos nun tawag tawag at text text kasi wala pa sila dun. So nanglibre muna ako sa ZAGU. Then nagpunta na kami ng Radio City tapos Tower Records. Biglang maynagtext sa kay Pao at Elmor sabi naandoon na sila. Biglang ayun nga! Shell! para kaming mga bata layo ng layo sa kanila. (eh kasi nahihiya kami...).Tapos ayun hanggang sa nagalit na sila. Tapos lumayo muna at sabi sumama lang yung kayang umayos.
Ayus ok na lahat sumama except Alec kasi after lunch pa lang ay umalis na siya. Nagpunta kami sa foodcourt then binati si Miss. "A" yung teacher nila. Tapos ayun usap usap na. Parang dun sa table namin merong dalawang mundo tapos may mga messengers lang para magkapag-usap kami hahaha namely mga celphone tapos yung sila Elmor at Analou. Tapos biglang sianbi nagugutom na sila so nanglibre ako. Hehehe. Tapos ayun nagpagawa ng palanca.
Tapos ayun umuwi na kami.