drumming
October 29, 2006
「 ang dapat na title naging date: 8:51 AM 」



Sisimulan ko ang aking kwento tungkol sa nangyari sa akin kahapon. Okay...

Kahapon, birthday ng pinsan ko. Daming nangyari. Too bad, pinsan ko 4 years old pa lng. Haha. So, di ko siya masyadong ka vibes. Eh kasi sobrang kulit niya eh. Sorry basta quiet na lang kayo ah. Haha. Pero before that nung middle of the night, kachat ko si Pao, Roy at Raffy. Haha. Si Roy natatakot pa kasi mag-isa lang. Hehe. Tapos isa sa pinakamemorable na chat with Pao ay nangyari. Haha. Una, kasi pinakalate ito n time na nakachat ko siya kasi 3:00 A.M. na nun. Second, sobrang saya namin dahil pinag-uusapan namin ay kung ano anong sobrang nakakatawa. Sobrang haba nun. Oks, back to birthday. So ayun, eat eat eat, talk talk talk. After lunch, ka-text ko si Pao nasa house lang siya ni Ian. Dapat pupunta ako pero aalis kami. So sad. Anyways, Buong araw ko rin ka-text si Cisco. Haha.

So ayun nga at umalis kami. Nga pala, ay wala lang basta yung BF ng ate ng pinsan ko (gets niyo?) ay Lourdesian dati. Ka-batch niya si RJ Jimenez. Magkakilala sila. Ayun lang. And kilala niya rin pala si Sir DOS at Ms. Marciano (naging teacher nila) pinasasabi sa akin na kamustah daw. And marami pa siya sa aking kinuwento tungkol dati. Its quite interesting. Back to the story. Unang agenda namin ay pumunta ng patay ( masyadong maaga no? pero ok lang yan kasi pag Nov 1-2 dami na tao eh). Dalawa pang cemetaryo ang pinuntahan namin. Next pauwi na kami pero hatid muna namin Grandma ko sa house nila sa Bangakal. Tapos next, sinamahan pa namin pinsan ko yung girl and her BF na magpaayos ng cpu sa glorietta. (wow, 2 times in 2 days.) Well, biglang sabi sa akin ni Dad. Punta kami ng Eastwood may FREE concert(openground).

Sa concert, ang saya pero sa totoo di masyado. Ang mga tumugtog, Hale, Callalily, Join the Club, at meron pang isa na nakalimutan ko na. Haha. Anyways, wala nang pwesto and nearest restaurant or not, ay ang SB. Nope, not Starbucks but Seattle's Best. Hehe. Lalang. So ayun, sa loob, nag-order kami, Javanilla, Mocha and something else. Tapos nag-order rin kami ng croissant (di ko alam spelling, tama ba?). So anyways, wala akong marinig sa loob so keep texting with Cisco na lang. Well, mga 10 : 30 na umalis na kami kahit di pa tapos. Eh kasi di maganda yung mga unang banda mga di kilala tulad ng Jeans. Nung pag-alis namin biglang narining ko "..and the stars in the sky will never be the same..." Haha. So ayun, kahit Callalily na yung banda. Well, ayun di na ako inaatok, sumakay na kami car pauwi na kami. Nililipat ko radyo naghahanap ako ng magandang station. Biglang paglipat ko sa 97.1 Paris -Callalily. Wow. Live pa. Di ko alam kung saan. So ayun next song my favorite Seven Black Roses then finale A Promise, my very favorite. So nakauwi na kami nga 12:00. Natulog na ako

Next day, ngayon yun. Sobrang boring. Pero morning pa lang ka-text ko na si Cisco. Haha. Nasa Tagaytay pa la siya kahapon pa. Haha. So ayun, nagsimula na ako ng assignments. Natulog ako pati kumain, naligo at nag-ayos ng gamit. So ayun, hinihintay ko mag 12:00 midnight para magtext ng Happy Birthday Cisco. Lalang. Ka-chat ko rin si Roy ngayon. At ngayon ay 12: 30 na. Gumagawa pa ako ng mga testi kasi wala ako magawa. Haha.

Take care.