drumming
November 11, 2006
「 ang dapat na title naging date: 7:58 PM 」



-FAMILY DAY-



Wow. Its out family day already. Bilis naman. So sa totoo lang hating gabi ngayon. Ngayon lang kami nakauwi eh.

Kanina family day namin. Pero before that PROSEC nila. So 4:00 gumising na ako. Sabi kasi sa akin ni Ian na sabay na lang daw ako sa kanila sa umaga. Haha. 7:00 pumunta na ako sa kanila para sabay na ako papuntang school. Pagdating namin saktong 8:00. Simula na ng PROSEC nila. So, ayun diretso ako ulit sa gym (as usual). Noong nasa Pax Et Bonum building na ako nakasabay ko si MJ. Varsity rin siya eh. So ayun pag-akyat ko simula na ng laban nila. Haiz, LSM VS Don Bosco. Haiz, sobrang pangit ng laro namin. Noong tapos na. Yung score 36 - 80. =/.

So ayun tapos na ang PROSEC. Ang tagal. Bago matapos PROSEC nagsimula na next game. Ateneo VS La Salle. Ang ganda ng laro. Ang galing humabol ng La Salle pero sa huli wala rin. so huling score 55 - 53. Nice. Pagkatapos DOTA na kami nila EJ, Pao at Ian.

So excel siyempre. Unang game -SPAP. Ako at si Ian, Pao at EJ magkakakampi.
Ako-Earthshaker
Ian-Lord of Avernus
Pao-Morphling
EJ-Spirit breaker.
Shems, ang bakla ni EJ 4000++ ang buhay tapos isang hataw namin uuwi siya kaagad kahit na may dalawa niyang Heart. ANyways kahit na ganon panalo kami.

Next Game. -AP. Ako at EJ, Pao at Ian.
Ako-Skeleton King
EJ-Furion
Pao-LIfestealer
Ian-Anti-Mage
Grabe ang panger ng laro ko. hmp. Sa huli may silang dalawa ay may Divine ... :. Anywas, it was very fun. Lampas na lunch. Gutom na gutom na kami. Wala pa kami sa school.

So, pagdating namin 2:00 na. Battle of the Bands. !st yr - 4th yr. Ang panget nung sa amin. Haiz. Anyways, kain kami, inom, usap, upo, kinig n mga banda. Ayun lang ginawa namin. Ang galing talaga ng 1st yr. Si Allen at Keno yung kumanta. Wow. Twinkle twinkle little star :)), A Promise, pati Bitiw. May mga mali pero ok na yun. Panalo sila ng 5,000 Php. Kakaingit. Haha. Alis na kami. Punta naman sa Shang.

Si Pao biglang pinapapunta na sa SM kasi naandoon daw mom niya and tita. Ako naman nakisama na lang kina JanJan, Ron and Labz sa Pick And Play. Laro sila ng dota. Nakatayo lang ako. SIna EJ at Ian naman nasa Power Station. Haha. Biglang naandoon na sundo ko.

Birthday ng tito ko. Pero kumain muna kami sa Max. Tapos diretso na kami sa Sampaloc (kung saan nakatira si Tito Toji). Well, ayun kain kami. Tapos inaalaska ako ng mga tito ko. hmp. Di ako makabanat. Pinagtutulungan ako. hmp. So tawa na nga lang ako. Haiz, buhay. Anyways it was fun. Lalo na yung mga pinsan ko boom di pa nila alam yung http://www.winterrowd.com/maze. So, pinalaro ko sila, Haha. Takot na takot sila! =))

Ayun umuwi na kami mga 1:00 na. Ngayon lang ako nakapagpost. Birthday na ngayon ni daddy. Ü



November 10, 2006
「 ang dapat na title naging date: 4:34 AM 」



-YOU THINK YOU KNOW EVERYTHING-

......NOW you know everything!





-BACK AGAIN-



Say hello! its me lets go!...

Wala lang. So ayun nga, hello. Masaya tapos na UT. Pero sa totoo lang, nakakatamad mag-aral pero todo pa rin ako kasi masamang ugali yun eh. Anyways, sorry sa mga NAGTETEXT, WALA na AKONG LOAD. Hala wala akong masabi ngayon, basta ang dami talagang nangyari. Ay alam ko na magpopost ako ulit mga trivias. Ilalagay ngayon, so maikli lang to kasi wala ako talagang masabi. Currently may mga kachat ako. Ü




November 6, 2006
「 ang dapat na title naging date: 5:42 AM 」



So ito nagmamadali ako ngayon. Marami pa ako gagawin singit lang ito. Kailangan ko na magpost. So, bullet form na lang.

Ayun lang po. Not really important. Ü

Failed again, so just leave me alone...




November 1, 2006
「 ang dapat na title naging date: 6:31 AM 」



Weeee. Nagtrick or treat kami kahapon. Sorry kung late post ulit. Kaso yung time sa blog ko mali-mali pati yung date.

Anyways kahapon, nagpameeting ulit ako para sa herbarium namin. As usuall 8:00 a.m. pero sigurado namang medyo male-late sila. Pero ok lang yun. So si Alec unang dumating, tapos si Ian tapos si Al. Sila Chev at Nico wala pero si nico nagreply sa akin kahapon kaya ok na siya. Ü. So that day was any ordinary day akala ko lang. Kasi nung dumating na sila masaya na ako. May nakausap na ako. Mayroon akong mga nakatawanan. Well, di muna kami nagstart nood muna kami sa baba. Haha. Myx nakakatawa yung Kamikazee iniinterview ni VJ Iya. Si VJ Iya hawak ng hawak kay Jay. Haha. Naka-20 times siya. Tapos sabi ni Jay, your so touchy! tapos mayroong pang isa na nakalimutan ko na (sorry tumatanda na ako.) Haha. So ayun after that nagsimula na kami. Tapos as usual kain kami. Tapos ayun alis na kami hinatid si Ian pati si Mark (pumunta lang sa amin nung paalis na kami.) tapos bumaba ako kina Alec kasi may kailangan akong gawin na assignment. Haha.

So ayun, punta ako sa PC nila. Gumawa ako ng assignment. Si Alec namin gawa rin ng assignment sa PC. Haha. Hirap eh. So ayun after an hour or so tapos ko na. Sabi sa akin ni Alec magconnect ako sa internet. Hehe. So ayun, biglang sabi ni Alec hanap ka ng album ng MCR. Haha. So ayun hanap kaming dalawa. Nagdownload kami ng The Black Parade - MCR, Three Cheers... - MCR pati Louder Now - TBS. Haha. Sarap pakinggan sa IPod ni Alec, yaman eh. So after that, punta na kami kina Teddy. Haha. Birthday niya kasi eh.

Wow. Ang saya. Pagpunta namin doon, kain kaagad kami. Habang kumakain kami tinext namin sila eh nasa taas sila sabi namin di kami makakapunta. Haha. Para surprise. Biglang bumaba si Teddy, aww di na surprise. Pero ok lang. Haha. HAPPY BIRTHDAY TEDDY! >.< . Haha. Tinapos naming kumain biglang akyat kami. Nakakaligaw! =/ laki ng bahay nila. Anyways, pasok kami sa attic, then SURPRISE! lahat naman sila naglalaro eh. Sarap ng buhay nila. Naglalaro ng D.O.N tapos Soul Calibur III. Haha. So ayun ang tagal. Biglang sabi sa amin, bumaba na trick or treat na! Waahh.. la akong costume. Well, at least pinahiram ako. Haha. SO trick or treat na. Diba dati lakad lakad, pero ngayon iba na! May CAR na! Hehe. Ang sikip sa loob pero it alright then punta na kami sa mga house una sa office mate daw ng tita namin then, sa kina Tita Judith (school bus operator namin). Dami namin candy. Ang saya talaga. Exciting kahit parang small kids kami ok lang libre naman eh. HAHAHAH! Bumalik na kami kain ulit then laro then uwi na. Anyways, thanks Ian Medina Happy Birthday! :P